Note to the audience: This video does not present accurate information, and is here solely for the blog owner's desire to share her object of
Ergo, DO NOT DO THIS IN JAPAN PEOPLE! 8D

Isang katutwang kasabihan sa Ingles, “Life is like a pack of M&Ms,” ang pumasok sa aking isipan nang balikan ko ang lektyur na isinagawa ni Gary Granada tungkol sa konsepto ng Hierarchism at Ebolusyon ng mga Substructure. Matatanto natin sa dalawang ito na ang buhay, lalo na nang mga tao, ay tulad nga ng isang pakete ng assorted candy hindi lang dahil sa mahirap asahan ang ating makukuha rito, kundi dahil sa pagbibigay-diin nito sa mga pagkakaiba at kadalasang paglimot sa pagkakatulad natin bilang nilalang sa mundo.
Sinasabing ang ‘change’ o pagbabago, lalo na kapag ito ay malaki at biglaan, ay isang bagay na di nais ng mga tao. Nakatala nga sa Sikolohiya na ang pagbabago ay isa sa pinakamalaking kontribyutor ng pisikal na stress at ang pagiging iba ay may malaking kinalaman sa pagbibigay-stress (pag-antagonise) ng karamihan sa di tulad nila. Marahil nakakabit dito ang sadyang pagmamahal sa pinaniniwalaan o kinalakhan, at ang takot na masira ang kinamulatan. Subalit nakasaad din na ang pagbabago lang ang hindi nababago sa mundo, at ang pagkakaiba ng bawat nilalang ay siyang pagkakatulad nila. Katulad ng pinaliwanag ni Granada sa kanyang lektyur – sa integrasyon ng mga social substructures, at sa mga konsepto ng Mobius strip, Spirituality at Material Condition (maging sa kanta na rin ni Joey Ayala) – ang lahat ng bagay at nilalang dito ay magkaugnay.
Ngayong bahagi na ng kaalaman natin ito, ano ba ang maaari natin gawing hakbang sa anthropocentrism o tila saradong pag-iisip nating mga tao sa ating Realities? Makita ba kaya natin ang mga M&Ms lampas sa panlabas na kulay ng mga ito at maintindihan na bawat isa rito ay linikha nang magkatumbas – na ang halaga ay pareho? Kaya nga ba natin baguhin ang mundo ngayon? @
Just a discussion paper I wrote for Filipino class. ^^
